MAYNILA – UPANG hindi mapahamak, nanawagan ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga Pinoy domestic helpers sa Hong Kong na sumunod sa curfew na ipinatutupad ng karamihan sa employers ng rehiyon.
Ayon kay Labor Sec. Silvestre Bello III, ilang employers na raw ang nagpataw ng curfew sa day off ng kanilang mga kasambahay para hindi maipit ang mga ito sa rally na madalas nagiging tensiyonado kapag gabi.
May ilan din umanong foreign recruitment agencies ang sumusundo sa kanilang employees sa airport para diretso hatid sa kanilang amo.
Nilinaw ni Bello na walang multa na ipapataw ang employers sa mga lalabag sa curfew.
Subalit kaligtasan ng mga OFW, mas mabuti umanong sumunod ang mga ito sa kanilang amo. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.