CURFEW SA KYUSI PINAIKLI NG 3 ORAS

Curfew

DAHIL sa nais ng lokal na pamahalaan ng Quezon City na bigyang daan ang pagdaraos ng tradisyunal na misa de gallo para sa Pasko, pinaiksi sa tatlong oras o mula alas-12:00 ng hating gabi hanggang alas-3:00 ng madaling araw ang curfew simula sa Disyembre 16.

Sa isang panayam sinabi ni QC Mayor Joy Belmonte na ang simbang gabi ay bahagi na ng pagdiriwang ng kapaskuhan at ng kultura ng mga Pilipino kayat sa kabila na may pandemya minabuti ng alkalde na maging buhay ang diwa ng Kapaskuhan.

Gayunpaman, mahigpit na ipinapaalala ng alkalde sa mga residente na dadalo sa simbang gabi na sumunod sa ipinatutupad na health and safety protocols tulad ng pagsusuot ng face masks, face shield at pagtugon sa physical distancing.

Aniya, dapat din sundin ang 30 porsiyento na kapasidad sa pagdalo ng simbang gabi at kung nasa 18-anyos hanggang 65-anyos ang lalahok sa misa at kailangan bitbit nito ang company ID, school ID o government issued ID.

Idinagdag pa nito, dapat laging isaisip ng bawat isa na hindi pa nawawala ang pandemic kaya’t kailangan mag-ingat upang maiwasan ang hawahan at pagkalat ng COVID-19. BENEDICT ABAYGAR, JR.

Comments are closed.