CURFEW SA MAYNILA 10PM TO 5AM NA

Isko Moreno

MAY dahilan muli ang mga rrsidente ng Maynila para magsaya dahil inatas na ni Manila Mayor Isko Moreno ang pag-aamyenda sa oras ng curfew sa lungsod upang ito ay mapaiksi.

Nakipagharap na si Moreno kina  Vice Mayor Honey Lacuna at majority floorleader Joel Chua upang pag-usapan ang pagpasa ng isang ordinansa na aamyenda sa umiiral na curfew hours sa Maynila.

Sa halip na alas-7 ng gabi ang simula ng curfew ay magiging alas-10 ng gabi ang simula nito at matatapos ng alas-5  ng umaga, ayon kay Moreno.

Ayon kay  Lacuna ay agad na ipatutupad ang ordinansa at maari din itong mabago sa depende sa kapasyahan ng alkalde na nakabase rin sa pagbabago ng quarantine status ng lungsod na ayon sa rekomendasyon ng    Inter-Agency Task Force (IATF).

Ipinaliwanag ni Moreno na hindi komo’t pinaiksi na ang curfew hindi nangangahulugan na ang mga pinapayagang lumabas base sa IATF guidelines tulad ng mga menor de edad at senior ay maari ng maglimayon o magpakalat-kalat.

Ayon pa rin kay Lacuna, ang bagong caurfew hours ay agad na ipatutupad kapag nailabas na ang publication ng nasabing ordinance sa linggong ito. VERLIN RUIZ

Comments are closed.