NAGLABAS ng bagong panuntunan para sa ipatutupad na curfew hours sa Lungsod ng Maynila na mas pinahaba mula alas-8 ng gabi hanggang alas-5 ng umaga sa gitna ng banta ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Kasunod ito ng isinagawang special session ng Manila City Council kung saan napagkasunduan ang naturang pagpapalawig ng curfew sa lungsod upang matiyak ang kaligtasan ng mga Manilenyo laban sa nasabing sakit.
Alinsunod rin ito sa kautusang ibinaba ni Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso bilang pag-iingat sa banta ng COVID-19 at sa pinaiiral na ring community quarantine sa buong Metro Manila.
Kinumpirma ni Manila Mayor Chief of Staff Cesar Chavez na epektibo ang curfew tatlong araw matapos ang publication.
Sa curfew hours, bawal ang mga tao sa kalsada, commercial establishments, recreation centers, malls at pampublikong lugar.
Papayagan naman ang mga residente na lumabas sa oras ng curfew hours sakaling may emergency at kailangang bumili ng gamut. PAUL ROLDAN