CURFEW SA RESTO, FAST FOOD BIZ PINAAALIS NA NG DTI

FAST FOOD

NAIS ng Department of Trade and Industry (DTI) na luwagan pa ang mga polisiya para sa restaurants at fast food establishments sa pagpapahintulot sa mga ito na mag-operate ng 24 oras.

Sa Laging Handa public briefing kahapon, sinabi ni Trade Secretary Ramon Lopez na hinihiling nila sa local government units (LGUs) na alisin na ang curfew hours para sa food businesses para maserbisyuhan ang mga nagtatrabaho sa gabi.

“What we are saying is to allow the restaurants that would like to open (during) curfew (hours), lift the curfew for these food establishments because they serve those who are working on night shift or after midnight,” sabi ni Lopez.

Bagama’t pinayagan na ng Metro Manila mayors ang delivery services na mag-operate ng 24 oras, nais din ni Lopez na luwagan ang mga polisiya para sa dine-in services.

“This is part of the gradual reopening. We are not relaxing our health protocols. Nothing to change but allowing them to reopen,” aniya.

Gayunman, sinabi ni Lopez na ipinauubaya pa rin ng DTI sa LGUs na tukuyin ang lawak ng kapasidad na papayagan nila ang food establishments na mag-operate.

Sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ), ang dine-in services sa restaurants at fast-food chains ay pinapayagang magbukas ng hanggang 50 percent ng kanilang capacity.

Sinabi ni Lopez na mag-iisyu ang DTI ng dokumento na magpapahintulot sa ilang negosyo sa service sector na mag-operate sa full capacity, kahit sa GCQ areas. PNA

Comments are closed.