CURFEW TIRADANG OA

MASAlamin

SA totoo lang, itong COVID-19 ay masasabing ordinary flu na nag-mutate lamang. Katulad ng influenza  na madaling makahawa. Ang influenza ay may 14,000 na kinitilan ng buhay sa Estados Unidos noong isang taon lamang. May mga naniniwala na bukod sa influenza ay sinasabi ng awtoridad doon na sa postmortem finding ng ilan sa mga bangkay ay may mga biktima ng COVID-19.

Isinailalim sa community quarantine ang buong Metro Manila samantalang alam naman natin na ang mga karamihan sa mga nagtatrabaho rito ay mga taga-Rizal, Bulacan, Laguna at Cavite. Bakit nga ba hindi na ginawang i-quarantine ang greater Metro Manila na lamang?

Ito namang curfew na inanunsiyo ng MMDA ay tiradang OA.

Hindi nila naisip na marami ang mga employed sa informal sector sa tinatawag nilang “non-essential” industry. Libo-libong kababayan natin ay umaasa lamang sa kakarampot na allowance nila at sa tip ng mga suki nilang parukyano.

‘Yung iba riyan ay may mga pinapagatas pang mga sanggol, ngayon sa 8pm hanggang 5am na curfew ay tinanggalan mo na sila ng hanapbuhay. Ngayon kapag umiyak ang mga sanggol nila dahil nag­hahanap ng gatas, sino ba ang mababaliw?

Sa panahon ng krisis mas importante ang empathy dahil ang audience mo ay ang publiko, hindi ang sarili mong kakayahan.

Kung puwedeng pag-aralan munang mabuti, at ikonsidera ang mga isang kahig, isang tuka bago  ura-uradang nagdedesisyon na ang impact ay sa kanila.

Comments are closed.