CURRY BINUHAT ANG WARRIORS SA PANALO VS KNICKS

NAGPOSTE si Stephen Curry ng double-double sa  first half at tumapos na may 31 points at 11 rebounds upang pangunahan ang bisitang Golden State Warriors sa 110-99 panalo laban sa  New York Knicks.

Si Curry ay may 9 points sa game-opening 14-0 run para sa Warriors, na nanalo ng lima sa kanilang huling anim at  11-3 ngayong buwan. Ang superstar shooting guard ay nakakolekta ng 17 points at 10 rebounds sa first half.

Umiskor si Jonathan Kuminga ng  25 points habang nagtala sina  Klay Thompson (16 points) at  Chris Paul (11 points) ng double figures mula sa bench para sa Golden State, na nanalo ng pitong sunod sa road games.

Humataw si Josh Hart (14 points, 18 rebounds) ng double-double para sa Knicks, na tumapos na 4-8 sa isang injury-plagued month.  Sina OG Anunoby (right elbow surgery) Julius Randle (right shoulder) at Mitchell Robinson (ankle surgery) ay pawang out indefinitely.

Umiskor si Jalen Brunson, hindi naglaro sa 115-92 loss sa New Orleans Pelicans noong Martes dahil sa neck injury,  ng  27 points habang nagtala sina Donte DiVincenzo ng  16 points. Reserves Miles McBride ng 14 at Jericho Sims ng 10 points.

Nets 124, Hawks 97

Umiskor si Cameron Johnson ng season-high 29 points at nagsalpak ng pitong  3-pointers upang tulungan ang Brooklyn Nets na pataubin ang Atlanta Hawks sa home debut ni interim coach Kevin Ollie sa New York.

Umangat ang Nets sa 2-3 magmula nang palitan ni Ollie si Jacque Vaughn at lumapit ng tatlong laro sa Atlanta para sa final play-in spot sa  Eastern Conference. Ipinoste ng Brooklyn ang  lopsided margin of victory nito na wala sina  Cam Thomas (sprained ankle) at  Ben Simmons (sore knee).

Naitala ni Johnson ang kanyang third-highest scoring game magmula nang umanib sa Nets sa trade deadline noong nakaraang season. Ibinuslo niya ang 10 sa 15 shots, napantayan ang second-most 3-pointers sa kanyang career at umiskor ng hindi bababa sa 20 points sa unang pagkakataon magmula noong Dec. 26 sa Detroit.

Nagdagdag si Dennis Schroder ng  23 points, 8 rebounds at 7 assists sa kanyang best outing magmula nang umanib sa Nets sa trade deadline. Nag-ambag si Mikal Bridges ng 15, 7 rebounds at 5  assists para sa Nets na bumuslo ng 51.1 percent at naisalpak ang 22 3-pointers para sa kanilang second-highest total sa season.

Nag-ambag si Day’Ron Sharpe ng 12 points, tumapos si Lonnie Walker IV na may 11 at nagposte si Dennis Smith Jr. ng  10.

Magic 115, Jazz 107

Nagbuhos si Paolo Banchero ng  29 points sa kanyang pagbabalik mula sa two-game absence dahil sa karamdaman upang pangunahan ang Orlando Magic sa panalo kontra Utah Jazz.