CURRY BINUHAT ANG WARRIORS SA PANALO VS SUNS

ISINALPAK ni Stephen Curry ang isang 33-foot 3-pointer, may 2.5 segundo ang nalalabi, at nalusutan ng  Golden State Warriors ang chaotic finish upang maungusan ang Phoenix Suns, 113-112, noong Sabado ng gabi sa San Francisco.

Matapos ang late flurry ni Devin Booker na nagbigay sa Suns ng two-point lead, may 35.6 segundo sa orasan, hindi nakaiskor ang parehong koponan, na nag-iwan sa Golden State ng 3.3 segundo para sa final possession.

Nag-inbound mula sa gilid, nakita ni Brandin Podziemski si Curry malapit sa midcourt at ipinasa ang bola, at ipinasok ng all-time 3-point leader ng liga ang go-ahead hoop.

Ito ang ika-9 na triple ni Curry sa laro.

Tumapos si Curry na may 30 points upang pangunahan ang Warriors, na nanalo ng apat na sunod. Nagtala siya ng 9-for-16 mula sa arc, tinulungan ang hosts na ma-outscore ang Suns, 51-33, mula sa three-point area.

Ipinasok ni Gary Payton II, nagbabalik mula sa 16-game absence dahil sa hamstring injury, ang lahat ng kanyang limang tira at nag-ambag ng 11 points, 1 block at 1 steal sa panalo. Tumipa si Jonathan Kuminga ng 21 points, nagsalansan si Green ng 15 poinrs, 7 rebounds at game-high nine assists, nag-ambag si Wiggins ng 12 points at nagposte si Podziemski ng 10 points, 8 rebounds at 7 assists.

Tumapos si Booker na may game-high 32 points para sa  Suns, na nagwagi ng tatlong sunod.

Kumana si Kevin Durant ng 24-point, 10-rebound double-double para sa Phoenix, habang nagdagdag si Bradley Beal ng 15 points at 2  steals.

Mavericks 146, Thunder 111

Nakalikom si Luka Doncic ng  32 points, 9 assists at 8 rebounds upang tulungan ang bagong anyong Dallas Mavericks na pataubin ang bisitang Oklahoma City Thunder.

Nagtala sina Dallas newcomers Daniel Gafford at  P.J. Washington, kinuha sa magkahiwalay na  trade-deadline deals noong Huwebes, ng pinagsamang 33 points para sa Mavericks na napantayan ang kanilang season high na apat na sunod na panalo.

Ang Thunder ay natalo sa lost back-to-back games.

Nagtala ang Dallas ng franchise record para sa first-quarter na may 47 points kung saan kumamada si Doncic ng 18 points, 5 rebounds at 5 assists sa opening quarter at itinarak ng Mavericks ang hanggang 22 puntos na kalamangan.

Clippers 112, Pistons 106

Umiskor si Paul George ng 33 points at nagdagdag si Kawhi Leonard ng 24 upang tulungan ang host Los Angeles Clippers na gapiin ang Detroit Pistons.

Gumawa si James Harden ng 14 points at nag-ambag si Russell Westbrook ng 13 para sa Clippers na binura ang 13-point third-quarter deficit tungo sa kanilanh ika-5 panalo sa kanilang huling anim na laro habang umangat sa 20-5 sa home. Ang panalo ay kasunod ng pagkatalo sa  New Orleans Pelicans, ang ika-4 pa lamang ng Los Angeles sa 22 games.

Pumasok ang Clippers sa fourth quarter na naghahabol sa 81-76 bago umiskor ng 36 sa final period upang maiwasan ang dalawang sunod na talo sa unang pagkakataon magmula noong Dec. 21-23.

Tumabo si Jaden Ivey ng 23 points para sa Pistons, nagdagdag si Cade Cunningham ng 22 at tumipa si Simone Fontecchio ng 20 sa kanyang Detroit debut makaraang kunin siya noong Huwebes sa isang trade sa Utah Jazz. Sumalang din sina Troy Brown Jr. (8 points) at Shake Milton (4  points) sa kanilang Pistons debuts matapos ang roster shake-up ngayong linggo.

Umiskor si Jalen Duren ng 10 points at kumalawit ng 18 rebounds at nagbigay si Cunningham ng 10 assists para sa Detroit, na nabigong maitala ang kanilang unang three-game winning streak ngayong season. Ang Pistons ay nagwagi sa Sacramento at Portland sa pagsisimula ng kanilang five-game road trip papasok sa All-Star break.