CURRY, COUSINS LIGTAS SA SUSPENSIYON

CURRY-COUSINS

HINDI papatawan ng parusa sina Golden State Warriors stars Stephen Curry at DeMarcus Cousins dahil sa pagtapak sa court sa matensiyong late-game situation laban sa Los Angeles Lakers sa preseason finale noong Biyernes.

Ang dalawang players ay tumapak sa court habang pinaghihiwalay sina Lance Stephenson ng Lakers at Quinn Cook ng Golden State ng mga opisyal matapos ang hard foul.

Itinatakda ng NBA ang one-game suspension sa sinumang player na aalis sa bench sa isang pagtatalo.

Mabilis na pinabalik sa bench ni Warriors assistant Jarron Collins ang dalawang players kung saan kagyat silang sinermunan ni coach Steve Kerr.

Sisimulan ng Golden State ang season laban sa Oklahoma City Thunder sa Martes.