OAKLAND, Calif. – Nadominahan nina Stephen Curry at Klay Thompson ang kanilang pinakaaabangang laban kina Damian Lillard at CJ McCollum sa pagkamada ng pinagsamang 12 3-pointers at 62 points sa 116-94 panalo ng Golden State Warriors laban sa Portland Trail Blazers sa Game 1 ng Western Conference finals noong Martes ng gabi.
Nakatakda ang Game 2 sa best-of-seven series sa Huwebes ng gabi, sa home court pa rin ng top-seeded Golden State.
Tumapos si Curry na may game-high 36 points at nagdagdag si Thompson ng 26 para sa Warriors, na nanalo ng dalawang sunod na wala si star forward Kevin Durant dahil sa bruised right calf.
Bumuslo si Curry ng 9-for-15 sa 3-pointers, nagtala si Thompson ng 3-for-9 at nag-ambag si backup Quinn Cook ng dalawang treys upang apulahin ang mainit na paghahabol ng Trail Blazers at tulungan ang Golden State na kunin ang Game 1 laban sa katunggali na kanilang nadominahan, 4-1 at 4-0, sa 2016 at 2017 playoffs.
Nagtala lamang si Lillard ng 4-for-12 tungo sa team-high 19 points, habang nagdagdag si McCollum ng 17 para sa Trail Blazers, na naharap sa koponan na nakapagpahinga ng tatlong araw makaraang sibakin ang Houston sa Game 6 sa road noong Biyernes ng gabi.
Gumamit ang Warriors ng 13-5 burst upang simulan ang second half at palobohin ang nine-point halftime advantage sa 67-50. Kumana si Curry ng tatlong 3-pointers sa run.
Subalit ayaw sumuko ng Portland, na lumipad sa Oakland makaraang pagwagian ang decisive Game 7 sa Denver noong Linggo. Naipasok nina Rodney Hood at Seth Curry ang 3-pointers sa 11-4 run na tumapos sa period at nagbigay sa Trail Blazers ng pag-asa sa 77-71 papasok sa fourth.
Abante lamang ang Warriors sa 79-73 bago naisalpak ni Cook ang dalawang 3-pointers, at palobohin ang kalamangan ng Golden State sa 14, at ang 3-point discrepancy ang naging susi sa pagkatalo ng Trail Blazers.
Nag-ambag si Draymond Green ng team-high 10 rebounds at 12 points para sa Warriors, na bumuslo ng 50 percent mula sa field at 51.5 percent (17-for-33) sa 3-pointers.
Na-outscore ng Warriors ang Trail Blazers, 51-21, sa 3-pointers.
Tumipa sina Hood at Maurice Harkless ng tig-17 points at humablot si Enes Kanter ng game-high 16 rebounds na may 10 points para sa Trail Blazers, na nalimitahan sa 36.1 percent shooting overall at 25 percent (7-for-28) sa treys.
Comments are closed.