TINIYAK ng Philippine National Police (PNP) na handa silang tumulong sa pagbibigay ng seguridad sa pagbabalik sa bansa ni dating congressman Arnolfo Teves na naaresto sa Timor Leste.
Ayon kay PNP Chief Gen. Benjamin Acorda Jr., nakikipag-ugnayan na sila sa Department of Justice (DOJ) at Department of Foreign Affairs (DFA) kaugnay sa magiging security arrangement.
Handa rin ang PNP na tanggapin si Teves sa kanilang custodial center kung ito ang ipag-uutos ng korte.
“Well normally with regards to this situation CIDG ang nata-tasking natin but still we have to wait for further coordination with the DOJ and of course with the DFA kung ano ang magiging arrangement namin but usually we use the venue of the Interpol as mode but yun nga antayin muna natin, kung ano ang magiging resulta ng coordination between DOJ and DFA,” ani pa ni Acorda.
“If the PNP will be tasked kasi puwede rin NBI eh. So if the PNP will be tasked definitely sa atin muna ‘yan but it will be up to the court kung ano ang magiging desisyon kung saan ilalagay,” ani Acorda.
EUNICE CELARIO