MALABON CITY – SUGATAN ang isang custom representative matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang riding in tandem criminal sa lungsod na ito.
Ginagamot sa Tondo Medical Center sanhi ng tinamong tama ng bala sa kaliwang braso si Roden Ramos, 36, ng Brgy. San Agustin.
Sa imbestigasyon nina PSSg Ernie Baroy at PSSg Philip Cesar Apostol, dakong alas-11:10 ng gabi, binuksan ng biktima ang gate ng kanilang bahay sa nasabing barangay para iparada ang kanyang sasakyan nang dumating ang mga suspek na sakay ng motorsiklo na nakasuot ng jacket at helmet ang driver habang naka-T-shirt at short pants naman ang back rider saka pinagbabaril si Ramos.
Matapos ang pamamaril, mabilis na tumakas ang mga suspek patungong Matahong St. habang humingi naman ng tulong ang biktima sa mga tauhan ng PCP-6 na nagsugod sa kanya sa naturang pagamutan.
Ayon kay Malabon Police Chief Col. Jessie Tamayao, ipinag-utos na niya sa kanyang mga tauhan ang masusing imbestigasyon sa posibleng pagkakakilanlan at pagkakaaresto sa suspek habang inaalam pa ang motibo sa insidente. VICK TANES
Comments are closed.