CVA TUTUKLAS NG BAGONG ALYSSA VALDEZ, MIKA REYES AT JAJA SANTIAGO

on the spot- pilipino mirror

MAY susunod na sa mga yapak nina Alyssa Valdez,  Mika Reyes at Jaja Santiago. Sa matinding hatawan sa bubuksang Community Volleyball Association (CVA), naniniwala sina CVA founding president Carlo Maceda at tournament director Alvin Tañada, kapwa abala ngayon sa nalalapit na pagbubukas ng pinakabagong  community-based volleyball league sa susunod na buwan, na mabibigyan ng pagkakataon ang mga kabataang manlalaro na maipukol ang kanilang mga talento sa sport ng volleyball.

“We believe there are a lot of young and talented players from different parts of the country waiting to be discovered. Through the CVA, we are providing them the platform,” pahayag nina  Maceda at Tañada sa 36th Usapang Sports’ ng Tabloids Organization in Philippine Sports  (TOPS) sa National Press Club sa Intramuros kamakailan.

Bagama’t may dalawang major volleyball tournaments sa bansa sa kasalukuyan,  positibo si Maceda na may puwang pa para sa minimithing programa ng CVA.

“The more, the merrier. Marami tayong magagaling na volleyball players,” paliwanag ni Maceda,  na umaasang mauulit sa CVA ang kanyang tagumpay sa Community Basketball Association (CBA).

Hindi rin kinakitaan ng pagkabahala si Tañada, sa panayam ng mga sportswriter, na magkakaroon ng conflict sa dalawang malaking volleyball leagues – ang Premier Volleyball League at Philippine Super Liga.

“Hiidi naman namin planong karibalin ang PVL at PSL. Gusto lang natin na ipakita sa mga player na hindi lang sa dalawang liga na ito puwede silang maglaro. We will develop our own talent base with the help of local government units,” sabi pa ni Tañada sa weekly forum na itinataguyod ng Philippine Sports Commission,  National Press Club,  PAGCOR,  CBA at HG Gu­yabano Tea Leaf Drinks.

“Ang maganda rito ay maraming LGUs ang may kaparehong  paniniwala sa ating mga adhikain at kakayahan para matulungan ang mga kabataan na gustong ipakita ang kanilang angking husay sa paglalaro ng volleyball. Magkasama kami dito sa CVA,” dugtong pa ni Tañada, na naging mi­yembro ng Philippine volleyball team sa 2017 SEA Games.

“Sa CVA,  pumili ako ng  dalawang commissioners at malakas na management  team para makasama natin.”

Sinabi naman ni Watamslama Macalanggan, magsisilbing 18-under commissioner, na marami na silang teams na nakausap para lumahok.

“Nakahanda ang buong staff para pagtuunan ang mga plano ng CVA. Tututukan natin ang mga kabataan na ba­lang araw ay makapagbibigay ng karangalan sa ating bansa.

Malaki ang plano at programang isinusulong ni Director Carlo Maceda kaya hindi kami nag-atubiling tumulong sa kanyang mga pagmamalasakit para sa kapakanan ng pambansang sports. Hindi po lamang sa basketball o volleyball,  marami pa pong iba “dagdag pa ni Macalanggan sa lingguhang forum na napapanood nang live sa Facebook via Glitter Livestream tuwing Huwebes.

Comments are closed.