CWS PARTY LIST NAMAHAGI NG KAGALAKAN SA BUONG LUZON SA IBA’T IBANG PROGRAMA

ANG mga mamayan ng Zambales, Bulacan, Laguna, at Batangas ay nabiyayaan ng CWS Party List dahil sa kanilang pagpapalaganap ng saya, dahil na din sa papalapit na ang Pasko. Nag-ikot sila at nagbahagi ng iba’t-ibang tulong at naglatag ng kanilang mga programa sa mga naturang bayan.

Upang tulungan ang DOLE sa pagbabayad ng mga kapwa kalahok sa TUPAD, sinamahan ng mga opisyal ng CWS Party List si Konsehal VM Rondon Mercado at ang kanyang mga tauhan sa Barangay Sta. Catalina sa Minalen, Pampanga.

Maraming mga kababayan sa Zambales ang nakikinabang sa programang TUPAD. Layunin ng proyekto ng TUPAD na mabigyan ng pansamantalang trabaho ang ating mga kababayan na hindi makahanap ng permanenteng trabaho dahil sa kasalukuyang pandemya.

Sa Barangay Angeles San Antonio, Zambales naman, noong Nobyembre 17, sumama ang Construction Workers Solidarity party-list kay Gov. Jun Ebdane at ang kanyang mga tauhan para sa pagbasbas at pagpapasinaya ng multi-purpose building ng lugar.

Nagsagawa rin ng laro at patimpalak ang party-list para maghatid ng saya at tulong sa mga taga-Zambales.

Nagtungo din ang CWS party-list at Department of Labor and Employment (DOLE) sa Mataas na Kahoy, Batangas, noong Nobyembre 20 para ipamahagi ang PAYOUT sa 81 TUPAD project beneficiaries. Sa tulong ng DOLE, ipinatupad ng CWS ang TUPAD program sa Mataas na kahoy, Batangas.

Noong Nobyembre 26 naman, namahagi ang CWS ng 650 na pakete ng face mask at pagkain sa mga kapwa construction worker sa Sta. Clara International Corp. sa Bulacan. Bahagi ito ng kanilang outreach sa mga manggagawa sa industriya ng konstruksyon.

Sa Pili, Laguna naman, ang mga opisyal ng Construction Workers Solidarity, kasama si mayor Edgardo Ramos at mga opisyal ng bayan, ay namahagi ng tulong pinansyal mula sa DSWD na lubos na ikinatuwa ng mga mamamayan doon.

Nitong nakaraang linggo lamang, bumalik ang grupo ng CWS sa Tanauan upang makipagpulong sa mga volunteers at nagbigay saya sa kanila.

Layon ng CWS Party-List na maging boses ng mga construction workers, safety officers, inhinyero at iba pang bahagi ng industriya ng kosntruksyon sa Pilipinas.

Nais ng Construction Workers party-list bilang isang haligi para sa kanilang mga pangangailangan mula nang ito ay itinatag mga 30 taon na ang nakakaraan.