UMARANGKADA ang tropa ng Construction Workers Solidarity Party sa pag-bisita nila sa tatlong probinsiya nitong mga nakaraang araw.
Bumuhos ang suporta sa Construction Workers Solidarity Party List sa probinsiya ng Bulacan nang sila ay nagtungo doon sa bayan ng San Jose Del Monte City, Bulacan upang magsagawa ng pagpupulong sa iba’t ibang sektor at construction workers kasama sina Mayor Arthur Robes, Congresswoman Rida Robes, at DOLE Secretary Silvestre Bello ukol sa programang TUPAD.
Nagbigay suporta din ang Construction Workers Solidarity Party List sa naganap na Christmas Tree Lighting project upang ipakilala ang CWS sa mga kababayang Bulakenyo.
Ang Construction Workers Solidarity Party List ay lugod na nagpasalamat sa mainit na pagtanggap ng mga Bulakenyo sa kanila.
Sa Batangas naman, tumungo ang mga ka-kontruksyon sa Tanauan kasama ang mga coordinators ni Mayoralty aspirant na si Mark Halili.
Nagtitpon-tipon ang mga coordinators ni Mayoralty aspirant Mark Halili kasama ang mga representatnte ng CWS Party List.
Nagsagawa ng pagpupulong ang CWS Party List kina Tanuan City Mayoralty candidate Mark Anthony Halili at sa kanyang mga kaalyado upang magpakilala at magbigay suporta para sa kanilang kandidatura sa gaganaping Halalan sa 2022.
Nagpapasalamat ang CWS sa mainit na pagtanggap nga mga taga-Tanauan City.
“Asahan niyong tuloy ang pagbuhos ng tulong sa ating mga kababayan hindi lamang sa Tanuan pati sa buong Pilipinas. Mula noon hanggang ngayon kaagapay ng samabayanang Pilipino ang Construction Workers Solidarity Party List sa pagharap sa hamon ng buhay.” ani Earel Gardiola, nominado ng Construction Workers Solidarity.
Nagtungo din ang CWS Party List sa Bohol upang isagawa ang pagpupulong nina Hon. Kristine Alexie B. Tutor at kanyang mga kawani para ipakilala ang tatlong CWS Nominees sa mga Boholanos.
Nagpapasalamat ang CWS party list sa naging pagsuporta ng mga Boholano sa adhikaing makatulong sa mamamayang Pilipino.
Sa Dumaguete naman, nakipagpulong ang #CWSPartyListPH kay Congressman Manuel “CHIQUITING” Sagarbarria at mga kawani nito sa “City of Gentle People” upang mas makilala ang CWS ng mamamayang taga-Dumaguete.
Malugod na tinanggap ng mga taga Bulacan, Batangas, Bohol, at Dumaguete ang pagbisita ng mga representate at nominado ng Construction Workers Solidarity Party List.
Nangako ng tuloy-tuloy na suporta ang CWS sa mga construction workers at kanilang pamilya, pati na sa mga kababayang kapus-palad sa pamamagitan ng mga kasalukuyang program na pang-trabaho, scholarships at ayuda, bukod sa mga batas na tutulong sa sector na nirerepresenta.