(Cyber patrolling paiigtingin) 16K CYBERCRIMES NAITALA NG PNP

NAKAPAGTALA ang Philippine National Police (PNP) ng 16,000 cybercrimes mula Enero hanggang Agosto noong 2023.

Sa datos ng PNP-Anticybercrime Group, sa naturang bilang, 19 ang naisilbing Search Warrants, nakalap at nasuring computer data, 214 na Arrest Warrants at 140 mga ikinasang Entrapment Operations gayundin ay nakapagbigay ng Technical Assistance.

Bukod sa nasabing datos, mayroon pang 24 na nagpapatuloy na imbestigasyon katuwang ang iba’t ibang yunit at ahensya ng pamahalaan.

Nagresulta ito sa pagkakaaresto ng 397 indibidwal at pagkakasagip ng mahigit sa 4,000 biktima kung saan, karamihan dito ay may kinalaman sa human trafficking.

Ang nasabing accomplishments ay patunay din na dumarami ang cyber criminals kaya upang pigilan ang mga ito ay ipinag-utos ni PNP Chief, PGen. Benjamin Acorda Jr., sa lahat ng mga Police Regional Office nito na palakasin pa ang kanilang kampaniya kontra-cybercrime.

Ayon kay Acorda, bagaman lumakas na ang kakayahan ng PNP Anti-Cybercrime Group dahil sa puspusang pagsasanay gayundin sa mga makabagong kagamitan, marami pa rin ang kailangang gawin.

Kabilang na rito ang pagpapaigting ng Cyber-Patrolling at paglutas sa mga kaso ng Cybercrime gayundin ang kumbinsihin ang publiko na ibalik ang tiwala nito sa kakayahan ng pulisya at mapawi ang kanilang mga agam-agam.

Bukod sa nasabing datos, mayroon pang 24 na nagpapatuloy na imbestigasyon katuwang ang iba’t ibang yunit at ahensya ng pamahalaan.

Nagresulta ito sa pagkakaaresto ng 397 indibidwal at pagkakasagip ng mahigit sa 4,000 biktima kung saan, karamihan dito ay may kinalaman sa human trafficking.

Ibinida naman ni Acorda na bagaman malaki ang ibinaba ng crime statistics, magdaragdag pa rin sila ng mga himpilan ng pulisya gayundin ay sisikaping makumpleto ang pagbili ng bodyworn camera bilang bahagi ng kanilang Anti-Criminality Drive.
EUNICE CELARIO