TINIYAK kahapon ni newly-appointed Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Benjamin Diokno na palalakasin ng central bank ang kakayahan nito na tugunan ang cyber security threats
“Knowing that IT security have systemic implications, the BSP, under my leadership shall continue strengthening its ability to address these threats,” wika ni Diokno sa kanyang unang media briefing bilang BSP chief.
Noong 2017 ay nagpalabas ang BSP ng pinalakas na panuntunan para sa information technology (IT) risk management para sa lahat ng supervised banks nito at iba pang financial institutions, isang taon makaraang yanigin ang banking sector ng Bangladesh Bank heist controversy.
Ang kontrobersiya ay kinasangkutan ng mga hacker na nagnakaw ng $81 million mula sa Bangladesh Bank account sa Federal Reserve of New York at inilipat ito sa fictitious accounts sa Rizal Commercial Banking Corp., Makati branch.
Sa gitna ng mga isyu sa ATM fraud, inatasan din ng BSP ang mga bangko na gumamit ng EMV o chip-based technology sa halip na magnetic stripes ATM cards para sa mas malakas na security features.
“I see these multi-faceted undertakings as ultimately benefiting the Filipino people,” wika ni Diokno.
Comments are closed.