(Cyber threat) AIRLINE COMPANY PINAGPAPALIWANAG SA DATA BREACH

airplane

NAIS  na linawin   ng National Privacy Commission (NPC) sa isang  airline company ang umano’y  pagkakalantad  sa mga kritikal na impormasyon ng kanilang mga kliyente na kinabibilangan ng mga Filipinong sumasakay ng eroplano.

Sa ulat na inilabas ng NPA, pinagpapaliwanag nila ngayon ang pamunuan ng Cathay Pacific hinggil sa higit 102,209  Filipino na  naapektuhan ng nangyaring data breach noon pang nakalipas na buwan ng Marso subalit ngayon lamang nalantad.

Sinasabing maaring  maharap sa criminal liability ang nasabing airline company kapag hindi nila naipaliwanag kung bakit huli na nang ipaabot nila sa mga awtoridad ng Fi­lipinas ang insidente.

“Among those fields taken were passenger name, nationality, date of birth, phone number, e-mail, credit card number, address, passport number, identity card number, frequent flyer membership number, customer service remarks and historical travel infor-mation,” ayon sa NPC.

Batay sa ulat, posibleng naapektuhan din sa nasabing data breach ang impormasyon ng halos 36,000 passports at higit 140 cred-it cards.

Paliwanag ng ko­misyon nitong Oktubre lang sila naabutan ng notice ng airline company  sa kabila ng Marso pa pala ng kasalu-kuyang taon nang unang matala ang insidente.

Ayon sa Cathay Pacific, nasa 9.4-milyon passengers sa buong mundo ang kabuuang apektado ng data breach.

Agad namang hu­mingi ng paumanhin si Cathay Chief executive Rupert Hogg kasabay ng pahayag na  walang katibayan na nagamit sa katiwalian ang mga impormasyong na-leak.

Sinabi pa ni Hogg na: “No passwords were compromised.

“We are very sorry for any concern this data security event may cause our passengers,” dagdag nito.

Binigyan lamang ng 10-araw ng NPC ang kompanya para makapagsumite ng kanilang paliwanag.

May limang araw din silang ibinigay para makapagsumite  ang kompanya ng impormasyon sa kung anong remedyo na ang ka-nilang nagawa para tugunan ang isyu.

Bukod sa NPC, nabatid na pati ang Hong Kong government kung saan nakabase ang airline company ay humihingi rin ng pali-wanag.

Nitong nakalipas na linggo inilunsd ng Department of National Defense, katuwang ang   Cyber Group ng Armed Forces of the Philippines at  private company na Synetcom Philippines, Inc., ang Cyber Bayanihan 2.0 sa AFP Commissioned Officers Club sa Camp Aguinaldo, Quezon City na dinaluhan ng private and public sectors.

Ang nasabing pagkilos ay may temang  Cyber Bayanihan 2.0 “Securing the Philippines’ Critical Cybersecurity Infostructure”

Ang  Cyber Bayanihan 2.0 ay nakatutok sa pangangalaga sa information technology infrastructure ng bansa na tinatawag na in-fostructure sa pamamagitan ng –  integrating, updating, strengthening, designing, and implementing cyber Security Operations Cen-ter (SOC) capabilities and programs. VERLIN RUIZ