MAKATI CITY – SINALAKAY ng awtoridad ang isang maliit na condo unit na ginagawa umanong cybersex den sa lungsod na ito.
Sa operasyon ng National Bureau of Investigation-Anti-Human Trafficking Division, nasagip ang may 11 menor de edad at li-ma pang kababaihan na ibinubugaw umano sa mga parokyanong Tsino.
Sa pahayag ng mga biktima, kinukunan umano sila ng mga larawan at ipinadadala sa online chat group kung saan pinagpipilian ng mga parokyanong dayuhan kapalit ng halagang P6,000 hanggang P50,000.
Nadakip ang dalawang Chinese na nagpapatakbo ng ilegal na gawain na sina alyas Han at Fenge na kapwa itinanggi ang mga paratang sa kanila, habang isang pinay na sinasabing nagre-recruit ng mga menor ay hinuli rin na nakilalang si alyas Xin,18-anyos, na nagsabing siya rin ay ibinebenta ng mga suspek.
Kakasuhan ng paglabag sa anti-human trafficking at anti-child abuse law ang mga naaresto, habang dinala naman sa DSWD ang mga menor de edad na biktima. BENJARDIE REYES
Comments are closed.