CYCLING: PAREJA, CARCUEVA NANGUNA SA MEN’S ROAD RACE

TAGAYTAY CITY — Dinomina ni Nichol Pareja ang Elite class at naghari si Jonel Carcueva sa Under 23 category ng men’s road race ng PhilCycling National Championships for Road 2022 nitong Biyernes.

“When I saw the opportunity, I didn’t let it slip away,” sabi ni Pareja, pumapadyak para sa 7-Eleven Roadbike Philippines na tinapos ang 137-km grind na nagsimula at nagtapos sa Praying Hands Monument dito sa loob ng three hours, 19 minutes at 54 seconds.

Nakasabay ni Pareja ang teammate na si veteran Marcelo Felipe sa Sungay climb subalit nagkasya sa silver medal makaraang tawirin ang finish line sa harap ng enthusiastic crowd pagkalipas ng 14 seconds.

Sumunod si Philippine Navy-Standard Insurance’s Jhon Mark Camingao kay Felipe para kumpletuhin ang podium ng centerpiece event ng championships na inorganisa ni PhilCycling at Philippine Olympic Committee President Rep. Abraham ‘Bambol’ Tolentino at co-presented ng Standard Insurance, MVP Sports Foundation at Smart at suportado ng Chooks-to-Go, San Miguel Corp., Petron, Le Tour de Filipinas-Air21-One LGC, Tagaytay City, Go For Gold, Cavite’s First District, Batangas First District, Province of Batangas, Philippine National Police at ng local National Disaster Risk Reduction and Management Council.

Tumapos si Carcueva sa fifth overall, ngunit sinuot ng Under 23 rider ang national championship jersey na nagtataglay ng quad-colors ng bansa sa all-navy blue background.

“It was tough, I had to really focus especially in the climb,” pahayag ni Pareja ilang minuto makaraang makumpleto ang karera.

Tumapos si Pareja sa 3:20:11.401, halos 50 seconds ang angat kay sister teammate Jericho Jay Lucero ng Go for Gold. Si Rench Michael Bondoc ang third podium finisher para sa 7-Eleven sa road race sa pagkopo ng bronze, apat na segundo sa likod ni Lucero.