CYPRIOT ARMY KULONG SA PAGPASLANG SA APAT NA PINAY

CYPRIOT ARMY

CYPRUS – PITONG beses na life imprisonment ang inihatol sa isang Greek Cypriot Army captain na umano’y serial killer na pumatay ng pitong dayuhang babae sa kanilang bansa kabilang ang apat na Pinay.

Bukod sa limang babae, pinaslang din ni Ni­cos Metaxas, 35-anyos, ang dalawang kabataan kaya nahaharap sa 12  kaso na may kaugnayan sa premeditated murder at abduction ng pito pa mula sa Filipinas, Romania at Nepal – sa pagitan ng Setyembre 2016 at Hulyo 2018.

Ang dalawang bata na nasa edad anim at walo ay mga anak ng dalawang babae.  Ang huling biktima ay  si Mary Rose Tiburcio at ang anak nitong si Sierra.

Samantala, isang Pinay ang lumutang at sinabing siya man ay ginahasa ni Metaxas. PILIPINO Mirror Reportorial Team

Comments are closed.