D-LEAGUE: 2ND WIN SASAKMALIN NG RED LIONS

Pba-D League

Standings W L
Perpetual 2 0
EcoOil-DLSU 2 1
Marinero-San Beda 1 1
PSP 1 2
CEU 0 1
AMA Online 0 1
Wang’s-Letran x x

Mga laro ngayon:
(Filoil EcoOil Centre)
2 p.m. – CEU vs AMA Online
4 p.m. – Wang’s-Letran vs Marinero-San Beda

SASALANG sa unang pagkakataon ang Wang’s Basketball @27 Striker-Letran sa PBA D-League Aspirants’ Cup kontra NCAA rival Marinerong Pilipino-San Beda ngayon sa Filoil EcoOil Centre.

Masusubukan si Rensy Bajar bilang bagong coach ng Knights sa 4 p.m. duel sa Red Lions.

Sisikapin ng Centro Escolar University at AMA Online na makapasok sa win column sa alas-2 ng hapon.

Na-split ng Marinero-San Beda ang kanilang unang dalawang laro — stunning 92-94 loss kontra neophyte Philippine Sports Performance at dikit na 82-79 panalo laban sa reigning champion EcoOil-La Salle.

Target ng Red Lions na samahan ang Green Archers sa second place sa 2-1. Nasa ibabaw ng standings ang University of Perpetual Help System Dalta, na may 2-0 record.

“Kailangan handa kami sa (defending NCAA champion) Letran. We have the utmost respect for them, they’re the 3-peat NCAA champion for a reason. It’s a rivalry so let’s see,” sabi ni Marinero-San Beda mentor Yuri Escueta.

Si Bajar ay itinalaga noong nakaraang buwan para palitan si Bonnie Tan na may misyon na mahila ang winning tradition ng Knights, simula sa D-League.

Inaasahang magiging bagong lider ng Wang’s-Letran sina Kurt Reyson at Kobe Monje.

Pangungunahan nina Yukien Andrada at Jacob Cortez ang Red Lions.