D-LEAGUE: BUENA MANO SA LETRAN, CEU

Pba-D League

Mga laro sa Sabado:
(Araneta Coliseum)
10:30 a.m. – Builders Warehouse-UST vs EcoOil-La Salle
12:30 p.m. – Marinerong Pilipino vs Apex Fuel-San Sebastian

INILABAS ng Wangs Basketball @26-Letran ang kanilang championship form sa 94-87 panalo kontra Adalem Construction-St. Clare sa pagsisimula ng f2022 PBA D-League Aspirants’ Cup kahapon sa Araneta Coliseum.

Nagbuhos si Louie Sangalang ng 21 points, 11 rebounds, 4 assists, at 2 blocks, habang kumana si Kobe Monje ng 17 points at 6 boards at tatlong iba pang players ang umiskor ng figures para sa Knights.

Gayunman ay bahagyang kinabahan ang Bonnie Tan-mentored side nang matapyas ang kanilang 23-point lead sa tatlong puntos lamang, 88-85, matapos ang tres ni Jolo Sumagaysay, may 57.1 segundo ang nalalabi.

Naisalba ni King Caralipio ang Wangs-Letran, sa pagsalpak ng left corner three, may 47.0 segundo ang nalalabi, upang tampukan ang kanyang impresibong marka na 12 points, 6 rebounds, 2 assists, at 2 steals.

“’Yung championship composure, ‘yun ‘yung need naming ilabas sa ganitong klaseng game. ‘Yun lang ang napag-usapan ng team, na let’s be composed,” sabi ni Tan.

Nakalikom din si Tommy Olivario ng 12 points, 7 assists, 4 boards, at 2 steals, gayundin si Brent Paraiso ng 12 points, 8 dimes, at 4 rebounds upang punan ang pagliban nina top guns Fran Yu at NCAA MVP Rhenz Abando.

Samantala, nagpasabog si Jerome Santos ng 36 points upang pangunahan ang Centro Escolar University sa 101-82 blowout win kontra AMA Online.

Impresibo ang pagbabalik ng 23-year-old forward na ipinasok ang apat na tres bukod sa 8 rebounds, 6 assists, at 2 steals na nagbigay kay coach Chico Manabat ng kanyang unang panalo sa developmental ranks.

Iskor:
Unang laro:
WANGS-LETRAN (94) — Sangalang 21, Monje 17, Olivario 12, Paraiso 12, Caralipio 12, Javillonar 6, Tolentino 6, Guarino 6, Bataller 2, Lantaya 0.
ADALEM-ST. CLARE (87) — Rojas 25, Estrada 22, Sumagaysay 19, Sablan 7, Tapenio 5, Estacio 5, Gambo 4, Lopez 0, Acosta 0.
QS: 29-20, 51-38, 72-65, 94-87.
Ikalawang laro:
LCEU (101) — Santos 36, Cabotaje 11, Diaz 9, Bernabe 9, Ferrer 9, Tolentino 8, Ancheta 7, Santiago 6, Reyes 2, Borromeo 2, Enrile 2, Malicana 0, Atienza 0, Samaniego 0
AMA (82) – Arpia 24, Palana 12, Alina 12, Cruz 10, Baclig 6, Villamor 6, Soriano 4, Romero 3, Pangilinan 2, Cruz 2, Ceniza 1, Fuentes 0, Temporasa 0, Reyes 0.
QS: 22-14, 48-41, 71-61, 101-82.