D-LEAGUE: LA SALLE, MARINERO DUMIKIT SA FINALS

Mga laro sa Linggo:
(Smart Araneta Coliseum)
Game 2 ng Best-of-3 Semifinals
10 a.m. – Adalem Construction-St. Clare vs EcoOil-La Salle*
12 p.m. – Apex Fuel-San Sebastian vs Marinerong Pilipino*
* – leads series, 1-0

NALUSUTAN ng EcoOil-La Salle ang Adalem Construction-St. Clare, 89-74, sa Game 1 ng 2022 PBA D-League Aspirants’ Cup semifinals kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Nagbuhos si debuting Schonny Winston ng 24 points, 4 assists, 3 rebounds, at 3 assists upang pangunahan ang Green Archers na lumapit sa finals.

Naging krusyal din si CJ Austria para sa 11-2 fourth quarter pullaway ng EcoOil-La Salle na nagbigay sa Archers ng 71-55 kalamangan. Naitala niya ang walo sa kanyang 15 points sa naturang stretch, bukod sa 7 boards.

Pinangunahan ni Kevin Quiambao ang depensa ng koponan at tumapos na may 18 points, 6 rebounds, 4 blocks, at 3 dimes mula sa bench, habang tumipa si Mark Nonoy ng 15 points sa 3-of-5 shooting mula sa deep.

“We tightened up on defense,” sabi ni coach Derick Pumaren, kung saan binasag ng kanyang tropa ang 52-all deadlock at tinapos ang third quarter sa 8-1 blast upang kunin ang 60-53 bentahe. Sumakay sa naturang momentum, pinalobo ng La Salle ang kalamangan sa 21 points, 78-57, sa huling limang minuto

“We were making St. Clare get back in the game because we kept on making mistakes offensively and defensively. I told the boys we must be able to contain yung effort stats nila and I think when we were able to do that, we were able to take control of the game.”

Sa unang laro, lumapit din ang Marinerong Pilipino sa finals nang dispatsahin ang Apex Fuel-San Sebastian, 74-66.

Sinindihan ni Juan Gomez de Liano ang early 21-8 assault ng Skippers na naging tuntungan sa magaan na panalo. Umabante ang Marinero ng hanggang 17 points, 72-55.

Nanguna ang University of the Philippines playmaker na may 16 points, 10 rebounds, at 7 assists para sa Marinerong Pilipino na target na makabalik sa championship series matapos ang runner-up finish sa 2019 Foundation Cup.

Nag-ambag si Arvin Gamboa ng 15 points, 5 boards, 2 assists, at 2 blocks, umiskor si Jollo Go ng 14, at kumubra si Adrian Nocum ng 12 points at 7 rebounds para sa Skippers.

“We’re happy sa mga players kasi na-execute namin ng maayos yung gameplan namin. Pero Game One pa lang ito and hopefully sa Game Two, maka-execute ulit kami,” sabi ni coach Yong Garcia.

Iskor:
Unang laro:
Marinerong Pilipino (74) — Gomez de Liano 16, Gamboa 15, Go 14, Nocum 12, Soberano 7, Carino 6, Bonifacio 2, Manlangit 2, Garcia 0, Bonsubre 0, Pido 0.
Apex Fuel-San Sebastian (66) — Altamirano 12, Villapando 11, Felebrico 11, Sumoda 8, Calahat 7, Desoyo 7, Escobido 4, Shanoda 4, Are 2, Suico 0, Yambing 0, Garcia 0.
QS: 21-8, 39-31, 59-46, 74-66.
Ikalawang laro:
EcoOil-La Salle (89) — Winston 24, Quiambao 18, Austria 15, Nonoy 15, Nelle 4, Nwankwo 4, B. Phillips 4, Cortez 3, M. Phillips 2, Escandor 0, Blanco 0, Buensalida 0, Estacio 0.
Adalem-St. Clare (74) — Rojas 19, Estrada 14, Manacho 8, Gamboa 7, Tapenio 6, Estacio 5, Ndong 4, Sablan 3, Sumagaysay 3, Galang 3, Fontanilla 2, Lopez 0, Decano 0.
QS: 18-23, 41-36, 60-53, 89-74.