Mga laro sa Huwebes:
(Araneta Coliseum)
10:30 a.m. – AMA Online vs Adalem Construction-St. Clare
12:30 p.m. – Apex Fuel-San Sebastian vs Builders Warehouse-UST
NAGBUHOS si Juan Gomez de Liano ng triple-double upang pangunahan ang Marinerong Pilipino sa 84-64 panalo kontra EcoOil-La Salle at kunin ang liderato sa 2022 PBA D-League Aspirants’ Cup kahapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig.
Kumana ang University of the Philippines playmaker ng 27 points mula sa 4-of-10 shooting sa three-point area, 12 assists, 11 rebounds, at 3 steals para igiya ang Skippers sa ikalawang panalo.
Sa pangunguna ni Gomez, Marinerong Pilipino ay bumanat ng 17-4 spree para lumayo sa fourth quarter, pinalobo ang 63-51 lead sa 25 puntos na kalamangan, 80-55, may 4:21 ang nalalabi.
Nag-ambag din si Jollo sa paglayo ng Marinerong Pilipino sa kinamadang 17 points sa 3-of-6 three-point shooting, habang kumubra si Adrian Nocum ng 11 points at 3 boards.
Sa ikalawang laro ay nalusutan ng Wangs Basketball @26-Letran ang AMA Online, 89-84.