D-LEAGUE: SKIPPERS SA SEMIS

Marinerong Pilipino

Mga laro sa Lunes:

(Paco Arena, Manila)

1:30 p.m. – BRT Sumisip Basilan-St. Clare* vs Hyperwash

3:30 p.m. – TIP* vs Black Mamba

*twice-to-beat advantage

NAKOPO ng Marinerong Pilipino ang unang semifinal berth makaraang sibakin ang AMA, 100-78, sa 2019 PBA D-League Foundation Cup quarterfinals kahapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

Nanguna si Eloy Poligrates para sa Skippers sa pagkamada ng 19 points, 3  rebounds, 3 assists, at 3 steals.

Gumawa si Mark Yee ng 13 points at 6 rebounds, habang nagdagdag si JR Alabanza ng 12 points at 8 boards.

Tumipa sina Byron Villarias at Jhonard Clarito ng tig-11 points at nag-ambag si Rev Diputado ng 10 markers para sa Marinerong Pilipino.

“Very thankful ako sa management dahil sa pagiging supportive nila, at sa players dahil tinrabaho nila ‘tong laro na ‘to kaya kami makakarating ng semifinals,” wika ni coach Yong Garcia.

Mula sa maliit na 17-14 kalamangan sa opening quarter ay pinangunahan nina Poligrates at Yee ang 15-0 blast upang bigyan ang Skippers ng 32-14 bentahe sa kaagahan ng second frame.

Umabante ang Marinerong Pilipino ng hanggang 26 points, 68-42, matapos ang bucket ni Yee, may 4:49 ang na­lalabi sa third canto bago kumarera sa panalo.

Iskor:

Marinerong Pilipino (100) – Poligrates 19, Yee 13, Alabanza 12, Clarito 11, Villarias 11, Diputado 10, Reverente 8, McAloney 6, Santillan 4, Rios 4, Mangahas 2, Sara 0, Ilagan 0.

AMA (78) – Black 22, Parcero 15, Tolentino 13, Paras 12, Fuentes 5, Alina 5, De Leon 4, Asuncion 2, Estibar 0, Catorce 0, Limpin 0, Austria 0.

QS: 24-14, 52-34, 75-49, 100-78

Comments are closed.