Standings W L
Wangs 3 0
Marinero 2 1
Adalem 2 1
EcoOil. 2 1
Apex Fuel 1 1
CEU 1 2
Builders 0 2
AMA 0 3
Mga laro ngayon:
(Ynares Sports Arena, Pasig)
11 a.m. – Builders Warehouse-UST vs CEU
1 p.m. – AMA Online vs Apex Fuel-San Sebastian
3 p.m. – Adalem Construction-St. Clare vs Marinerong Pilipino
SISIKAPIN ng Marinerong Pilipino na makabawi sa 2022 PBA D-League Aspirants’ Cup sa pagharap sa Adalem Construction-St. Clare ngayon sa Ynares Sports Arena sa Pasig.
Determinado ang Skippers ni coach Yong Garcia na makaresbak makaraang malasap ang 70-64 pagkabigo sa Wangs Basketball @26-Letran noong nakaraang Biyernes.
“Masakit ‘yung pagkatalo para sa amin, pero lesson sa amin ‘yun na sa simula pa lang, ‘di kami dapat magpalubog nang malaki,” sabj ng soft-spoken mentor.
Nasayang ang 20-point game ni Jollo Go kung saan nagsalpak siya ng limang triples para pangunahan ang huling atake ng Marinerong Pilipino.
Inaasahan din ang malaking kontribusyon nina Juan Gomez de Liano at Kemark Carino para sa Skippers sa 3 p.m. game.
Subalit naghihintay sa kanila ang Saints team na palalakasin ni Joshua Fontanilla, kasama sina Johnsherick Estrada, John Rojas, at Senegalese center Babacar Ndong.
“Expect ko ‘yung full lineup namin sa game na ‘yun kasi importante para sa amin yan kung gusto namin makaabot sa top four,” sabi ni Adalem-St. Clare coach Jinino Manansala kung saan itataya ng kanyang tropa ang two-game win streak matapos ang 84-50 blowout sa AMA noong nakaraang Huwebes.
Kapwa sisikapin ng Builders Warehouse-UST (0-2) at Centro Escolar University (1-2) na putulin ang kani-kanilang two-game skids sa kanilang salpukan sa alas-11 ng umaga, na susundan ng duelo ng Apex Fuel-San Sebastian (1-1) at AMA Online (0-3) sa ala-1 ng hapon.