NANGAKO ang Department of Agriculture na tutulungan nila ang hog raisers na nakumpiskahan ng mga alagang baboy para maiwasan ang paglaganap ng sakit.
Ito ay matapos ang apela ng mga negosyante na naluulugi na sila matapos ang isinagawang pagkumpiska.
Ayon naman kay Agriculture Secretary William Dar, mayroon silang inilaang tulong pinansiyal sa mga apektadong hog raisers.
Papalitan din nila ng mga biik ang mga nakumpiska upang makapagsimula muli sa negosyo oras na maging maayos na ang problema hinggil sa baboy.
Matatandaang kinumpiska ng Department of Agriculture ang mga baboy mula sa lalawigan ng Rizal at Bulacan noong nakaraang linggo.
Comments are closed.