DA AT BFAR OFFICIALS GINISA SA IMPORTASYON NG ISDA

GINISA  ng mga senador ang mga opisyal ng Department of Agriculture (DA) at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) dahil sa pagpapahintulot sa importasyon ng isda.

Bahagi ito ng imbestigasyon ng Senate Committee on Agriculture, Food and Agrarian Reform sa pagpapahintulot ng DA matapos ang imporasyon ng 60,000 metrikong tonelada ng mga isda kabilang na ang galunggong sa unang quarter ngayong taon.

Matatandaang sinabi ng DA at BFAR na kailangang mag-import ng mga isda makaraang masira ng bagyong Odette ang maraming isdaan sa Visayas at Mindanao.

Ayon sa mga senador, base sa batas ng Fisheries Code of 1998, bago mag-angkat ng isda ang bansa, kailangan munang konsultahin ng DA ang multi sectoral council na highest advisory body ng DA.

Sa naging pahayag ni DA Undersecretary for Fisheries Cheryl Natividad-Caballero, siya umano ang nakalagda sa rekomendasyon ng importasyon ng isda pero recommendatory body lamang ang council at nakabatay pa rin sa desisyon ng agriculture secretary.

Sinabi naman ni BFAR Director Eduardo Gongona, pinakinggan nila ang council pero naniniwala sila sa figures ng Philippine Statistics Authority (PSA) na kukulangin ng 119,000 metric ton ang suplay ng isda. DWIZ882