KUMPIYANSA ang Department of Agriculture (DA) na maaabot nito ang target na gawing mas competitive ang mga lokal na magsasaka sa bansa.
Ayon kay DA Spokesman Noel Reyes – nagsimula na silang mamahagi ng tulong sa mga magsasaka.
Aniya, nasa P10-bilyong kita ng gobyerno mula sa taripa sa rice importation ang ipinamamahagi na ngayong huling quarter ng taon hanggang sa unang quarter ng 2020.
Samantala, sa ngayon, naghihintay pa ng pormal na direktiba ang DA sa Malacañang hinggil sa umano’y nais na pagpapatigil ni Pangulong Duterte sa pag-aangkat ng bigas.
Comments are closed.