HANDANG harangin ng mga tauhan ng Bureau of Animal Industry (BAI) ng Department of Agriculture (DA) ang posibleng pagpasok sa bansa ng mga exotic animal na pinaniniwalaang pinanggalingan ng 2019 Novel Coronavirus (nCoV).
Ito ang tiniyak ni Dr. John Roel Hilario, Regional Veterinary Quarantine Office VI ng BAI-Region 6, kasunod ng pahayag na nagmula ang nCoV sa mga exotic na hayop tulad ng civet cats, paniki, ahas at marami pang iba.
Sinabi ng opisyal na nagpatupad na sila ng regulasyon sa pagpasok ng mga hayop domestically at internationally.
Aniya, kanilang tinututukan ang pag-import ng hayop, lalo na ang mga exotic na posibleng magdala ng nasabing nakahahawa at nakamamatay na virus.
Idinagdag pa ng opisyal na responsibilidad na ng mga lokal na pamahalaan ang mga hayop na ibinebenta sa mga pamilihan at responsibilidad naman ng National Meat Inspection Service (NMIS) na siguraduhin na ligtas ang mga karne na kinokonsumo ng publiko. BENEDICT ABAYGAR, JR.
Comments are closed.