TINUTUTUKAN ngayon ng Department of Agriculture (DA) ang ulat na may outbreak ng H5N8 o Highly Pathogenic Avian Influenza (HPAI) sa bansang Czech Republic.
Dahil dito iniutos ng Department of Agriculture ang pag-ban o pansamantalang pagbabawal sa pag-angkat ng mga poultry products mula sa Czech Republic.
Ayon sa Memorandum Order No. 13 na pirmado ni Agriculture Secretary William Dar, ang temporary ban ay upang maiwasan ang pagpasok ng H5N8.
Sinasabing batay sa report na isinumite ng State Veterinary ng Czech Republic sa World Organization for Animal Health ay mayroong outbreak ng H5N8 sa kanilang bansa.
Bukod sa poultry products, hindi muna maaaring pumasok sa bansa ang mga semen, day old chick, wild at domestic chick mula sa Czech Republic.
Nabatid na sinuspinde rin ang pagproseso ng mga Sanitary at Phytosanitary import clearance ng mga nasabing produkto. VERLIN RUIZ
Comments are closed.