DA BUDGET PINATATAASAN NI DU30

department of agriculture

NAIS ni Pangulong Rodrigo Duterte na taasan ang budget ng Department of Agriculture (DA) ng ten-fold sa 2020 upang masiguro ang food security ng bansa, ayon kay Agriculture Secretary Emmanuel F. Pinol.

Sa pahayag ni Piñol, inatasan siya ni Duterte sa Cabinet meeting noong Lunes, na magsumite ng 2020 budget proposal na 10 beses na mas malaki sa kasalukuyang budget na halos P50 billion.

Ayon kay Piñol, sinabi sa kanya ng Pangulo na hihilingin nito kay Finance Secretary Carlos G. Dominguez III na ibigay sa DA ang budget na kakailanganin nito upang mapaghusay ang food production ng bansa.

“President Rody Duterte last night assured Filipino farmers and fishermen that Agriculture and Fisheries will be given a bigger budget share to be able to produce more food for a rapidly growing population,” anang agriculture chief sa isang post sa social me-dia.

“Over the last two years, agriculture was given a measly share of the national budget with the DA getting less than 2% of the to-tal budgetary pie,” dagdag pa niya.

Ayon pa kay Piñol, binigyang-diin ni Duterte sa cabinet meeting ang pangangailangan ng mas malaking suporta sa agrikultura upang matugunan ang lumalaking pangangailangan sa pagkain ng lumolobong populasyon ng bansa.

“Make use of every available area to grow food. You know how to do that,” sabi umano ni Duterte.

Noong 2018,  ipinanukala ng DA ang P200 billion budget subalit ang ahensiya ay binigyan lamang ng P56 billion. Gayundin, ngayong taon ay humingi ang DA ng mahigit sa P120 billion allocation subalit tumanggap lamang ng P49.9 billion. JASPER EMMANUEL Y. ARCALAS

 

Comments are closed.