(DA direktang bibili sa farmers)PRESYO NG PULANG SIBUYAS PABABABAIN

SIBUYAS

GUMAGAWA na ng paraan ang Department of Agriculture (DA) para matugunan ang tumataas na presyo ng pulang sibuyas sa bansa.

“The government is looking into buying directly from our producers, we are looking into the harvest of our farmers this month, and selling it directly to consumers through Kadiwa,” pahayag ni DA spokesperson Kristine Evangelista sa The Source ng CNN Philippines.

Noong Nobyembre 29 ay sinabi ng DA na iniimbestigahan nito ang pagtaas sa presyo ng pulang sibuyas na umabot na kamakailan sa 300 kada kilo.

Base sa latest price monitoring ng DA, ang kada kilo ng local red onion ay ipinagbibili sa halagang P280 kada kilo sa Metro Manila markets.

Ayon kay Evangelista, nakikipag-ugnayan na ang ahensiya sa Bureau of Plant Industry (BPI) para matukoy ang sanhi ng pagsipa ng presyo at kung may supply shortage.

Aniya, nais ng ahensiya na makipag-ugnayan sa mga trader dahil sila ang nakikitang ‘bottleneck’ sa value chain.

“Upon harvesting, farmers sell their produce to the traders, who keep the commodities in cold storage facilities. As to when these will be released to the markets, it is something that the traders decide,” sabi pa ng opisyal.

“I’m not putting them in a bad light but thing is we have to find a way. I understand that there are some cost considerations as far as storage is concerned, but I think one of the things that we have to do is to eliminate certain layers to be able to bring down the prices,” ani Evangelista.

Sa kasalukuyan ay nakikipagdiyalogo ang DA sa onion stakeholders para makabuo ng solusyon sa problema para sa kapakinabangan ng mga magsasaka at consumer.

Sinabi ni Evangelista na base sa report ng BPI ay may sapat na suplay ng pulang sibuyas dahil inaasahan ang pag-ani ng mga magsasaka sa ikalawang linggo ng Disyembre.