(DA, DTI sanib-puwersa) PRESYO NG BIGAS, GULAY PABABABAIN

MAGSASANIB-PUWERSA ang Department of Agriculture (DA) at ang Department of Trade and Industry (DTI) sa paghahanap ng paraan upang pababain ang presyo ng bigas at iba pang imported na produktong pag-agrikultura tulad ng mga gulay at karne upang matugunan ang pangangailangan ng mga mamimili.

“The Department of Agriculture (DA) and Department of Trade and Industry (DTI) have joined forces to explore ‘creative ways’ to reduce rice prices to more reasonable levels and alleviate the financial burden on Filipino consumers,” pahayag ng DA sa isang statement.

Ayon kay Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel Jr., ang unang tututukan ng pamahalaan ay ang pagpapababa sa presyo ng imported na bigas. Ipinaliwanag niya na ang hakbang na tutukan muna ang imported na bigas ay panimula pa lamang sa mga hakbang na isasagawa ng pamahalaan upang mapababa ang presyo ng mga produktong pang-agrikultura.

“The government’s efforts would extend beyond that. Imported rice is just the beginning. We plan to cast the price net wider to include other imported food commodities like vegetables and meat, ultimately benefiting the Filipino consumer,” sabi niya.

Sinabi naman ni DTI Secretary Cristina Roque, na chairman din ng National Price Coordinating Council, na magkakaroon ng pagpupulong ang inter-agency council upang repasuhin ang mga estratehiya na ang layunin ay mapatatag ang presyo ng pagkain, lalo na sa mga pamilihan.

“We aim to strike a balance between business sustainability and consumer protection.We want the public to know that we are leaving no stone unturned in our efforts to ease the burden on Filipino consumers,” ani Roque.

Pareho na aniyang pinag-aaralan ng dalawang naturang ahensiya ang maaaring maging maximum suggested retail price (MSRP) para sa bigas na nais ipatupad ng DA.

Paliwanag ni Tiu Laurel, ang pangunahing layunin ng naturang mga inisyatiba ay upang masiguro din na may sapat na kikitain ang mga trader habang tinitiyak na hindi aabuso at magsasamantala ang mga ito sa sitwasyon tulad ng pagpapataw ng mataas na presyo ng mga pagkain sa mga mamimili. “The goal of the initiative is to allow rice importers and retailers to operate profitably while ensuring that consumers are not subjected to excessively high prices,” sabi ni Tiu Laurel.

Pinag-aaralan din ng DA ang pagdedeklara ng national food security emergency upang makapaglabas ang National Food Authority (NFA) ng rice stocks na isang kapangyarihang ipinagkaloob sa Kalihim ng DA.

“This would grant Sec. Tiu Laurel the authority to release rice stocks held in reserve by the National Food Authority, helping to increase supply and bring down retail prices. The DA secretary is also chairman of the NFA Council,” anang DA.

Samantala, nirerepaso na rin ng DTI ang mga kasalukuyang regulasyon nito sa pagbebenta at labelling ng manufactured goods, at pinag-aaralan kung paano ito iaangkop sa agricultural commodities, lalo na ang bigas.

Isa sa itinuturong dahilan ng inflation ay ang pagtaas ng presyo bigas

“The elevated price of rice has contributed to high inflation throughout the first half of 2024, preventing the Bangko Sentral ng Pilipinas from lowering interest rates, which are crucial for stimulating investments and generating jobs. On average, Filipino consumers spend nearly P10 of every P100 on rice, with the burden even greater for households in the bottom 30 percent of the income bracket,” sabi ng DA.

Nagkasundo na sina Roque at Tiu Laurel na magtakda ng panahon upang opisyal ng malagdaan ang memorandum of understanding sa pagitan ng dalawang ahensiya upang maresolba na ang tumataas na presyo ng bigas at iba pang pagkain na pangunahing pangangailangan ng mga mamamayan.

“By tackling both supply and pricing issues, government aims to stabilize the rice market and make it more affordable for consumers nationwide,” dagdag pa ni Tiu Laurel.
Ma. Luisa Macabuhay-Garcia