BUKAS ang Department of Agriculture (DA) na taasan pa ang price cap para sa karneng baboy.
Ayon kay Agriculture Assistant Sec. Noel Reyes, nakahanda ang DA na itaas pa sa P310 hanggang P340 ang price ceiling para sa kada kilo ng karneng baboy.
Ito, aniya, ay bilang tugon sa panawagan ng mga magbababoy sa bansa.
Matatandaang ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapatupad ng price cap sa karneng baboy at manok sa Metro Manila dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo nito na nauwi naman sa pagkakasa ng pork holiday ng ilang mga nagtitinda.
Sa ilalim ng Executive Order No. 124, may price cap na P270 ang kada kilo ng kasim at pigi, P300 ang kada kilo ng liempo, at P160 ang kada kilo ng manok.
Naging epektibo ang kautusan noong Pebrero 8 at tatagal ng dalawang buwan.
Comments are closed.