DA HOSTS FIRST ‘CORN DERBY’ IN CARAGA REGION

CORN DERBY

LAYUNIN na maengganyo ang mga magsasaka na subukan ang yellow corn production, nag-host ang  Department of Agriculture sa Caraga Region (DA-13) ng unang  “Corn Derby” ngayong taon.

Pahayag ni Melody Guimary, DA-13 coordinator, kamakailan na ang unang phase ng derby ay isinagawa noong Martes, Nobyembre 5 sa Carmen, Surigao del Sur, habang ang pangalawang phase ay gagawin ngayong araw, Nobyembre 7 sa Barangay Aurora, Sta. Josefa, Agusan del Sur.

Dagdag pa nito na ang gawain ay naglalayon din na tulungan ang mga magsasaka na maabot ang pinakamataas na ani at mataas na kita sa pamamagi-tan ng produksiyon ng yellow corn o dilaw na mais.

Ipinakita rin ang mga gawain ng pinakamaga­ling na  hybrid corn seeds at technologies ng anim na kasaling private seed companies, kasama sa Cor-teva Agriscience (formerly Pioneer Hybrid Phils. Inc.), Bayer Cropscience, Syngenta Phils., Bioseed Research Phils. Inc., Asian Hybrid Seed Technol-ogies, Inc., at Green & Grow Teknologies, Inc.

Dinaluhan ang okasyon nitong Martes sa Surigao del Sur nina DA-13 Regional Exe­cutive Director Abel James I. Monteagudo, na hinimok ang mga magsasaka na subukan ang pagsasaka ng mais, lalo na ang produksiyon ng yellow corn.

Pahayag ni Monteagudo na ang mga magsasaka  ay “dapat gawing profitable business ang pagsasaka dahil ang agribusiness ay isang daan para umusad ang kita ng mga magsasaka.”

Nasa 300 corn farmers mula sa bayan ng Carrascal, Cantilan, Madrid, Carmen, Lanuza, Tandag City, Tago at San Miguel ang dumating sa okasyon.

Sa susunod na corn derby sa Sta. Josefa, Agusan del Sur ngayong araw, sinabi ni Guimary na mahigit na 300 corn farmers mula sa bayan ng Tren-to, La Paz, Loreto at Bunawan ang ina­asahang dumalo.

Sa isang pahayag, inilarawan ng DA-13 ang gawain ay isang “show window for the farmers to know what hybrid yellow corn seed variety suited best in their locality, considering the management practices employed by the companies versus the farmers’ practice.”

Ayon kay Guimary na hinihimok nila ang mga magsasaka na gawin ang yellow corn farming dahil sa mga pakinabang nito kumpara sa white corn pagdating sa produksiyon at kita.

“Demand for yellow corn in the market is also very high as it is one of the main ingredients of livestock feeds,” sabi niya.

Ang Caraga ay isa sa mga rehiyon sa bansa na nakakuha ng dagdag na produksiyon sa mais noong nagdaang taon, ayon sa datos ng Philippine Sta-tistics Authority.

Noong 2018, nagkaroon ang Caraga ng total corn production na 135,627 metric tons, o 13 porsiyentong dagdag kumpara sa 119,980 metric tons ng produksiyon noong 2017.

Nagpahayag ng pagiging positibo sa dagdag na produksiyon ngayong taon sa patuloy na suporta ng gobyerno sa corn farmers sa rehiyon.                       PNA

Comments are closed.