DA INAALAM KUNG GAANO KATINDI ANG ASF VIRUS SA PINAS

William Dar

HINIHINTAY pa ng Department of Agriculture (DA) ang resulta ng Viral Isolation Test matapos na kumpirmahin na African Swine Fever ang tumama sa ilang mga baboy sa Rizal at Bulacan.

Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, dito malalaman kung anong klase at lakas ng virus ang nakaapekto sa mga alaga.

Ayon din sa kalihim na posibleng galing sa smuggled pork products nagmula ang virus kaya ito nakapasok ng bansa.

Tiniyak naman ni Bureau of Animal Industry (BAI) Director Ronnie Domingo na patuloy ang cleaning at disinfection sa mga apektadong lugar.

Pero may mga ba­gong lugar na inoobserbahan ang DA na hindi muna nila tutukuyin.

Aabot sa pitong lugar ang apektado ng ASF sa dalawang lalawigan kung saan higit 7,000 baboy na ang pinatay.

Siniguro ng DA na maglalaan sila ng pondo para muling makabangon ang mga magbababoy pero hihintayin pa ang isang buwan para masi­gurong wala nang virus at payagan silang mag-alaga ulit.

Comments are closed.