DA INALIS NA ANG IMPORT BAN SA JAPANESE MEAT

Japanese Meat

INALIS na ng Department of Agriculture (DA) ang temporary ban sa importasyon ng domestic and wild pigs at produkto nito tulad ng pork meat, pig skin, at semen na nanggaga­ling sa Japan.

Sa Memorandum Order No. 11, sinabi ni DA Secretary Emmanuel “Manny” Piñol na base sa evaluation ng Bureau of Animal Industry (BAI), ang panganib sa pagkakahawa ng classical swine fever virus sa pag-i-import ng produkto ng baboy mula sa Japan ay balewala na.

Sinabi ni Piñol na lahat ng import transactions ng domestic at wild pigs at produkto nito kasama ang pork meat, pig skin, at semen “shall be in accordance with existing rules and regulations of the Department of Agriculture, Bureau of Animal Industry and National Meat Inspection Service.”

Nitong Pebrero ngayong taon, nag-order ang hepe ng DA ng ban sa pork imports mula sa Japan kasunod ng report ng African Swine Fever (ASF) sa bansang iyon.

Ang ASF ay isang nakahahawa at mada­ling kumalat na sakit na nakaaapekto ng domestic at wild pigs sa lahat ng edad nito na hanggang 100 percent fatality rate. Pero, ito ay hindi public health threat o food-safety concern.

Ang ibang teritoryo na apektado ng virus ay ang China, Hong Kong, Cambodia, Vietnam, Hungary, Belgium, Latvia, Poland, Romania, Russia, Ukraine, Bulgaria, Czech Republic, Moldova, South Africa, at Zambia.

Samantala, inulit ni Piñol ang kanyang babala sa mga parating na pasahero na “bringing in meat and other agricultural products without the necessary permit, especially those coming from ASF-affected countries” ay sasalubungin ng multa na umaabot sa PHP200,000. PNA

Comments are closed.