DA KINUMPIRMA ANG BAGONG KASO NG ASF SA DAVAO DEL SUR

ASF-DAVAO DEL SUR

KINUMPIRMA ng Department of Agriculture (DA) kamakailan na ilang dosena ng baboy ang nagpositibo sa African swine fever (ASF) sa isang auction market sa bayan ng Sulop, Davao del Sur.

Sinabi ni Agriculture Secretary William Dar na may ilang 42 baboy mula sa Koronadal City ang nagpositibo matapos ang testing.

Sinabi niya na ang mga baboy ay mula sa Davao Occidental, na nagdeklara ng ASF outbreak.

Sinabi ni Dar na base sa tracing analysis, ang outbreak ay maaa­ring naging dahilan mula sa swill feeding o tirang pagkain na kontaminado ng ASF.

Nag-order na ang gobyernong lokal ng Sulop para suspendihin ang operasyon sa auction market at ipalinis ang lugar.