MAGSASAGAWA ng inspeksiyon ang Department of Agriculture sa malalaking supermarket upang matiyak na hindi apektado ng African Swine Fever ang kanilang mga panindang karne ng baboy.
Sa kanyang year-end report, sinabi ni Agriculture Sec. William Dar na inutusan niya ang National Meat Inspection Service na inspeksiyunin ang SM Cherry supermarket sa QC matapos umanong kumpiskahin ng mga tauhan ng Quezon City Hall Veterinary office sa pangunguna ni Dr. Ana Marie Cabe ang ilang panindang pata ng baboy sa nasabing supermarket na pinaghihinalaan umanong may sakit.
Samantala, tiniyak naman ni Dr. Cabe na sigurado siya na may sakit ang baboy na kanilang kinumpiska sa naturang supermarket dahil sa mga bokbok sa balat ng baboy.
Subalit itinanggi ni Cabel na kontaminado ng ASF ang naturang mga nakumpiskang baboy sa SM Cherry Supermarket.
Comments are closed.