IPINAHAYAG ni Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel, Jr. na plano ng Department of Agriculture (DA) na makahanap ng clustered farms kung saan maaaring ipakita ng International Rice Research Institute (IRRI) ang dine-develop nitong seed varieties ng bigas at technologies na maaaring magpalakas pa sa pagsusulong ng rice development at produksyon sa bigas ng bansa.
Ang naturang plano ay ibinahagi ni Laurel sa kanyang Facebook post matapos bisitahin nito ang headquarters ng IRRI sa Los Banos, Laguna.
“Binisita ko ang headquarters ng International Rice Research Institute (IRRI) sa Los Baños, Laguna upang mapalakas pa ang partnership tungo sa pagsulong ng rice development ng bansa,”sabi ni Laurel.
Ibinahagi ni Laurel na lubos siyang nagalak sa nakita niyang key facilities ng IRRI tulad ng Grain Quality Laboratory at International Rice Genebank.
“Nakita ko din ang mga demonstrasyon nila ng iba’t-ibang drone technologies at crop establishment methods.
Nagkaroon din kami ng meeting kung saan ibinahagi ko ang interes ng DA na makahanap ng clustered farms kung saan pwedeng ipakita ng IRRI ang kanilang mga dine-develop na seed varieties at technologies, “sabi ni Laurel.
“Nagpapasalamat ako sa pagtanggap ng IRRI’s Board of Trustees na pinangungunahan ni Càô Dúć Phat, kasama si Interim Director General Ajay Kohli at iba pang officials. Patuloy ang ating pagtutulungan upang makamit ang isang rice self-sufficient at nutrition-secure na Pilipinas! “dagdag pa ni Laurel.
Kamakailan lamang ay lumagda ang DA at IRRI sa limang taong Memorandum of Agreement (MOA) upang mapalakas ang pagsasaliksik na magpapalakas sa produksyon ng bigas ng Pilipinas. Ayon kay Laurel, layunin ng naturang MOA na maging “food secured, globally-competiive” at “climate resilient” ang rice production ng bansa.
Inaasahan niya na sa pamamagitan nito ay magkaroon ng mas maraming mamumuhunan at makahikayat ng mga bagong henerasyon ng magsasaka na magpapatuloy sa rice production at food security sa Pilipinas.
Ang kolaborasyon na ito ng DA at IRRI ay inaasahang magdudulot ng mas murang halaga ng produksyon ng bigas, mababawasan ang post production loss,” promote digital transformation” at makakahanap ng mga makabago at innovative na paraan ng pagtuklas ng mga bagong rice varieties na makakatulong sa mga magsasaka na mapalago ang produksyon ng kanilang produksyon at makasiguro ng climate adaptation.
Ang IRRI ay isang global research organization na tumutulong upang mapaglaban ang kagutuman at kahirapan ng isang bansa sa pamamagitan ng pagsasaliksik at siyensiya.
Samantala, ipinahayag ni Laurel na bukod sa pagpapapalakas sa rice production, babaguhin din anya ng departamento ang magiging budget nito sa taong 2025.
Target anya sa gagawin nilang pagbabago sa budget ang modernisasyon sa agrikultura,pagpapalakas ng food production at food security, nais din palakasin ang mga output sa iba pang produkto ng agrikultura kabilang na ang livestock, poultry, at iba pang high value crops, mapalawak ang sakop ng irigasyon gamit ang solar powered systems, at mapagbuti ang post-harvest facilities para sa bigas, mais, at ma-rationalize ang gamit ng fertilizers.
Plano niya anya ay magkaroon ng soil mapping at testing upang matukoy ang mga lugar sa bansa na pwedeng pagtaniman ng mga bigas, mais, at iba pang pananim o high value crops o mga lugar na bagay para sa agrikultura.
“The budget for fertilizers needs to be reviewed since fertigation—using fertilizer solutions with irrigation water—has proven a more cost-effective agriculture practice. “Fertigation saves 40 percent of fertilizer while doubling production.Since it takes several years for large irrigation projects to be completed, we are looking for ways to quickly irrigate 180,000 hectares by using solar-powered irrigation systems. These additional irrigated area will yield as much as 1.2 million metric tons of palay per year or more than 6 metric tons per hectare a year compared with the national average yield of 4.1 metric tons in 2023,”ang sabi ni Laurel.
Ang DA ay binigyan ng budget na P197.84 bilyon ngayong taon. P118.66 bilyon nito ay nakalaan para sa rice-related initiatives.
Samantala inirekomenda ng PCAFI na magbawas ng nakalaang pondo mula sa rice-related budget at ipamahagi naman anya ang ibang pondo para sa produksyon ng ibang high-value crops, livestock at poultry,na ang pangkalahatang kontribusyon umano sa agrikulura ng bansa ay umaabot sa 33.8 at 30 porsiyento,” respectively”.
Ang 2024 budget ng DA ay P5.03 bilyon para sa high-value crops at P6.15 bilyon lamang sa livestock at poultry.
Nangako naman si Laurel na pag- aaralan ang rekomendasyon ng grupo. Ma. Luisa Macabuhay-Garcia