MAS magiging madali na ang pagbubungkal, paglilinis ng sakahan at paghahanda ng lupa ng mga magsasaka ng Salvacion Farmers Association dahil sa mga makinaryang ipinagkaloob ng Kagawaran ng Pagsasaka – Rehiyon ng MiMaRoPa.
Sa ilalim ng High-Value Crops Development Program at sa pakikipagtulugan ng Puerto Princesa City, ipinagkaloob sa nasabing samahan ang isang unit ng Cultivator at isang unit ng grass cutter na may kabuuang halagang P274,000.00.
Ang mga ipinagkaloob na makinarya ay naglalayong matulungan na pagaanin ang kanilang trabaho sa kani-kanilang sakahan at bawasan ang kanilang gastos sa paghahanda ng kanilang sakahan.
Nagpahayag ng pasasalamat si G. Alberto Jagmis, Jr., ang presidente ng asosasyon.
“Dahil sa naibigay na kagamitan pangsakahan ay mas magiging madali po ang aming paggugulayan. Mas paiigtingin pa po namin ang aming samahan upang makapag-produce pa po kami ng gulay at makatulong din sa aming pamilya,” wika ni Jagmis.
Personal na sinaksihan ang aktibidad ni Vice Mayor Maria Nancy Socrates, Puerto Princesa City Councilors Elgin Damasco, Patrick Alex Hagedorn, Henry Gadiano, Herbert Dilig at Deputy Mayor North West Cluster Modesto Rodriguez.
Kasama naman bilang kinatawan ng Kagawaran ng Pagsasaka si Agricultural Program Coordinating Officer Vicente Binasahan, Jr.
Ipinahayag ng city government ng Puerto Princesa, sa pangunguna ni Mayor Lucilo Bayron, na lubos ang kanilang suporta pagdating sa agrikultura dahil isa ito sa mahalagang pinagkukunan ng pagkain ng taumbayan, lalo na sa panahong ito.
“Makaaasa kayo na ang suporta ng city government ay pangangalagaan at bibigyan ng pansin ang ating mga magsasaka dahil kayo (magsasaka) ang nagpapakain sa bawat lamesa ng pamilya,” mensahe ni Mayor Bayron.
Nagtapos ang aktibidad sa pagbenta ng kanilang mga naaning gulay.
(DA-RFO IVB, RAFIS)
829926 600634This style is incredible! You undoubtedly know how to maintain a reader amused. Between your wit and your videos, I was almost moved to start my own blog (properly, almostHaHa!) Wonderful job. I truly loved what you had to say, and more than that, how you presented it. Too cool! 588159
955299 54372extremely good put up, i surely adore this internet website, carry on it 320300
613761 829497Hi! Do you know if they make any plugins to safeguard against hackers? Im kinda paranoid about losing everything Ive worked hard on. Any tips? 785748
861032 954693Sweet web site , super layout, really clean and utilize genial . 340477
186702 98929so significantly excellent data on here, : D. 356869