INI-REPORT ng agriculture department kamakailan na sila ay nagbebenta ng mangga sa mababang presyo dahil sa surplus ng supply.
Sinabi ni Agriculture Secretary Manny Piñol na magbebenta sila ng 1 million kilo ng sariwang mangga ngayong buwan sa TienDA Mango Marketing Program sa Metro Manila.
Sa kanyang Facebook, ipinaliwanag ni Piñol na ang sobrang supply ng mangga ay dahil sa mahabang panahon ng tagtuyot na nagbunsod ng pamumulaklak ng puno at pagdami ng mangga sa panahong ito.
“Farmers estimate a surplus of 2 million kilos which they said would just rot if government does not help them sell the fruits,” sabi niya.
“Local processors, aware of the surplus, have also dropped their buying prices.”
Ang mga mangga na ibebenta sa halagang P20 hanggang P50 bawat kilo ay mabibili sa mga sumusunod na lugar: Department of Agriculture Central Office, Elliptical Road, Diliman, Quezon City; Bureau of Plant and Industry, Malate, Manila; Muntinlupa City Hall; Parañaque City Hall; Waltermart North Edsa, Quezon City from 9 a.m. to 9 p.m.; Waltermart Makati from 9 a.m. to 9 p.m.; Waltermart Pasay from 9 a.m. to 9 p.m.
Ang programa na inilunsad noong Lunes ay dinaluhan ng mga magsasaka at ng Japanese fruit-importing company na Diamond Star.
Sinabi ni Piñol noong nagdaang linggo na bibili ang Japanese firm ng 100 metric tons ng mangga sa Fili-pinas kasunod ng pagbisita ni President Rodrigo Duterte sa Japan.