DA NAGHAHANDA NA SA TAG-ULAN

DA-TAG-ULAN

PINAGHAHANDAAN na ng Department of Agriculture (DA) ang pagsapit ng tag-ulan.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni DA Secretary William Dar na makikipag-ugnayan sila sa local government units (LGUs) para sa paghahanda at pagtulong sa mga magsasaka.

Ayon kay Dar,  nasa 2.5 milyong ektaryang sakahan ang iko-cover ng ahensiya para sa wet season planting.

Patuloy aniyang isusulong ng gobyerno ang ‘Plant, Plant, Plant’ Program o ang “Ahon Lahat, Pagkaing Sapat (ALPAS) Laban sa COVID-19” para sa kapakanan ng mga magsasaka, mangingisda at konsyumer. DWIZ 882

3 thoughts on “DA NAGHAHANDA NA SA TAG-ULAN”

Comments are closed.