MAKATATANGGAP ang ilang 87,175 kuwalipikadong rice farmers sa Pangasinan ng PHP5,000 cash aid sa ilalim ng Rice Farmer Financial Assistance (RFFA) Program ng Department of Agriculture (DA) simula Lunes.
Ang paglulunsad ng programa ay isinagawa sa Lingayen, Pangasinan na may inisyal na 500 rice farmers mula sa bayan ng Mangatarem na nakatanggap ng kanilang cards na nagtataglay ng cash aid mula sa Landbank of the Philippines.
Sinabi ni DA Secretary William Dar na ang programa ay bahagi ng pagtulong ng national government for rice farmers na apektado ng mababang presyo ng palay.
“This is for selected rice farmers who are tilling 0.5 hectare to two hectares of land in all 33 provinces in the country who were assessed to be needing assistance,” lahad niya sa isang panayam sa sidelines ng paglulunsad.
Sinabi ni Dar na ang RFFA ay isang unconditional cash transfer (UCT) habang ang ibang financial aids, tulad ng loan programs, ay nakalaan para sa magsasaka.
“RFFA is not a loan program. The PHP5,000 is given to them, it is UCT,” dagdag niya.
Ang distribusyon nito sa lahat ng kuwalipikadong rice farmers sa Pangasinan ay hanggang Marso ng susunod na taon.
Sinabi ni Dar na ang national government ay naglaan ng PHP3 bilyon ngayong taon para sa programang pang-buong bansa at isa pang PHP3 bilyon din sa susunod na taon.
Dagdag pa niya na ang DA magpapa-insentibo sa lahat ng local government units na tutulong sa rice farmers para makabawi sa mababang presyo ng palay sa kanilang nasasakupan sa pamamagitan ng tulong o pamamahala ng presyo ng palay.
Pinasalamatan ni Pangasinan Governor Amado Espino III ang DA para sa programa, at nangako na ipagpapatuloy ang partnership ng probinsiya sa DA sa pagsuporta sa rice farmers sa probinsiya.
“It will be a big help to them. We will continue to distribute machineries, among others, through different national government agencies, to the farmers,” sabi ni Espino.
Sinabi ni Pilahia Resuello, 78, at Felissa Mondala, 49, na gagamitin nila ang halaga para bumili ng binhi at abono para sa kanilang sakahan.
“Salamat po, napakalaking tulong po nito,” sabi ni Resuello.
Comments are closed.