(DA nakikipag-ugnayan na sa mga magsasaka)PRESYO NG SIBUYAS PABABABAIN

TULOY-TULOY na nakikipag-ugnayan ang Department of Agriculture (DA) sa mga magsasaka para makahanap ng paraan upang maiwasan ang pagsirit pa ng presyo ng sibuyas.

Tiniyak ito ni Agriculture Spokesperson at Assistant Secretary Khristine Evangelista na nagsabi pang nananatiling mataas ang presyo ng sibuyas na nasa P500 hanggang P700 kada kilo dahil na rin sa mataas na farmgate price.

Sinabi ni Evangelista na posibleng bumaba ang presyo ng sibuyas sa mga susunod na linggo sa gitna na rin ng inaasahang pagsisimula ng pag-aani sa ikalawang linggo ng buwan.

Kasabay nito, pinalakas pa ng DA ang operasyon ng Kadiwa on Wheels para mabigyan ang publiko ng alternatibong pagbibilhan ng mga gulay.

DWIZ 882