(DA nanawagan na pabakunahan ang mga alagang hayop) RABIES KUMIKITIL NG BUHAY KADA ARAW

NANAWAGAN  ang isang opisyal ng Department of Agriculture (DA) sa mga pet owner at pet lovers na pabakunahan ang kanilang mga alagang hayop matapos isiwalat nito naisang Filipino kada araw ang nasasawi dulot ng rabies at umabot na sa 80 ang nasawi dahil dito sa taong kasalukuyan.

Sa kanyang mensahe sa paglulunsad ng Rabies awareness month sa Department of Agriculture (DA), sinabi ni Agriculture Assistant Secretary Constante Dante Palabrica na ang pagbabakuna ay makakatulong sa kinakaharap na suliranin ng bansa sa dumarami ng kaso ng “rabies-related fatalities” sa bansa.

Hinikayat din ni Palabrica ang publiko na samantalahin ang mga ibinibigay na free rabies vaccine ng pamahalaan upang mapuksa ang panganib na idinudulot nito sa buhay ng mamamayang Pilipino.

“Ngayong 2024, walompung mahigit na ngayon ang namamatay sa rabies. Kaya ang BAI, ang DA Livestock Division ay nakatuon ngayon para sa rabies,” sabi ni Palabrica.

Giit ni Palabrica na mas mahalagang maagapan sa pamamagitan ng pagpapabakuna ng mga alagang hayop kaysa magpa -anti rabies ang mga nakagat ng hayop na mas higit na mahal.

“One each a day, gumagapang iyong virus sa tao (the virus is infecting humans). So, it’ll take a month or two, mamamatay iyong tao. At magpapabakuna ka naman ng anti-rabies sa tao, napakamahal (the person will die. And when you have anti-rabies shots for humans, it’s very expensive),” ani Palabrica.

Giit nito na ang bahagi ng hakbang ng DA laban sa suliraning ito ay ang paglulunsad ng kampanya na may temang “Rabies Free, Aso at Pusa, Kaligtasan ng Pamilyang Pilipino (Dogs and Cats, Safety of Filipino Families”. Kahapon ay nagsagawa ang DA ng libreng anti-rabies vaccinations sa mahigit kumulang 50 aso’t pusa sa gymnasium ng naturang kagawaran.

“It is considered a neglected prognosis as it is 100 percent preventable through vaccination and the Department is committed to strengthening this program,” ayon naman kay DA Undersecretary Deogracias Victor Savellano,
Batay sa Department of Health (DOH), ang rabies ang sa pinaka-mabagsik na infection, kung saan umaabot sa 200

Filipino ang nasasawai dahil dito kada taon.

Sa taong 2022, umabot sa 370 ang rabies-related deaths na naitala sa bansa at pinakamataas ay noong 2007.

Katuwang ng DA ang DOH, Department of Education(DepED) Department of the Interior and Local Government(DILG) at ang Food and Drug Administration (FDA) sa pagsisikap na mapuksa ang nakamamatay na rabies sa mga hayop at tao hanggang sa taong 2027.Target ng pamahalaan na maresolba ang suliraning ito hanggang sa 2030. Ma. Luisa Macabuhay-Garcia