DA NANGAKO NG PONDO PARA SA SARANGANI UPLAND FARMING PROJECT

UPLAND FARMING PROJECT

MAGBUBUHOS pa ang Department of Agriculture (DA) ng dagdag na pondo simula sa susunod na taon para sa pagpapalawak ng flag-ship diversified upland farming development project sa probinsiya ng Sarangani, pahayag ni Governor Steve Chiongbian Solon kamakailan.

Aniya na ang gawaing ito ay bahagi ng pangako ng DA central office na mapanatili at mapalawak ang coverage ng program Special Area for Agricultural Development (SAAD).

Mula 2016, nakatanggap na ang probinsiya ng halos PHP150 million na grants mula sa national government para sa implementasyon ng programa sa mga piling poor upland bara­ngays sa probinsiya.

Isiniwalat ni Dr. Myer Mula, SAAD national program director, sa nakaraang meeting na natuwa si Agriculture Secretary William Dar sa paggulong ng prog­rama sa probinsiya sa nakaraang tatlong taon.

“That’s why DA is putting in additional funds to sustain the program even beyond the end of President (Rodrigo) Duterte’s term in 2022,” pahayag niya.

Mula 2016, nasa 65 na upland barangays sa loob ng pitong bayan ng probinsiya ang nakinabang mula sa proyekto, na nakapokus sa gulayan, upland rice, at produksiyon ng puting mais.

Sa ilalim ng proyekto, nakatanggap ang local farmers ng farm inputs, tulad ng binhi at abono, gayundin ng technical and livelihood assistance, comprising farm animals, tulad ng bibe, manok at kambing.

Pahayag  ni Agnes Du, SAAD provincial coordinator, na may 2,741 ektarya ng sakahan farmlands ang nataniman na ng drought-resistant upland rice at 1,289 ektarya na may open-pollinated variety white sa pamamagitan ng programa.

Ang mga sakahang ito ay nakapag-ani na ng 247 metric tons (MT) ng upland rice noong 2018 at nadagdagan ng hanggang 614 MT nang Nob­yembre ngayong taon.

Para sa puting mais, sinabi niya na ang overall production ay umabot sa 380 MT noong nagdaang taon at nadagdagan ng hanggang 411 MT ngayong taon.

Ang mga iba’t ibang gulay na prodyus sa pamamagitan ng diversified farming ay nairekord sa 17,629 kilos noong 2018.

Dahil sa bagong pa­ngakong pondo mula sa DA, sinabi ni Solon na mas maraming ordinar­yong magsasaka, lalo na ang mga tinatawag na mga indigenous people, at upland barangays sa probinsiya ang makikinabang sa proyekto.

“It will complement our efforts to transform Sarangani into a food and rice production basket,” dagdag niya. PNA

Comments are closed.