DA PAG-IIBAYUHIN ANG PROMOSYON NG KABUTE SA CAGAYAN VALLEY

NANGAKO ang Department of Agriculture (DA) sa Cagayan Valley na pag-iibayuhin nila ang promosyon ng produksiyon ng kabute sa kanilang rehiyon sa ginawang inagurasyon ng research and development (R&D) center para sa  mushroom industry.

Sinabi ni DA Bureau of Agricultural Research (BAR) Executive Director Nicomedes Eleazar na layon ng Cagayan Valley Mushroom Research and Development Center na suportahan ang R&D activities sa pagpoproseso ng agricultural waste sa pagpapanatili at pakikipagkumpetensiya ng produksiyon ng kabute patungo sa seguridad ng pagkain at kaligtasan sa rehiyon.

Sa pamamagitan ng research centers at experiment stations, nakapagsimula na ang DA, ng mga training sa produksiyon, pagpoproseso sa mga interesadong magsasaka, kooperatiba, at sa local government units.

“There are now products out of mushroom developed such as rice mushroom polvoron, miki, crispy bites, chamfee, cookies, muffin, bola-bola and many others,” ani Eleazar.

Samantala, sinamahan si Eleazar ng Regional Executive Director na si Lorenzo Caranguian of DA-Cagayan Valley sa pormal na pagbubukas ng center na nasa DA-Regional Crop Protection Center sa San Vicente Village.

Ang pasilidad ay pinondohan ng Bureau of Agricultural Research. Ang kanilang inagurasyon ay bahagi ng DA-PanagDAdapun at unang Makan Festival.    (PNA)

 

 

Comments are closed.